Ang indibidwal na Demand ay nadbabago dahil sa presyo. Ngunit sa pagbabago ng dami ng produkto na bibilhin ay may ibang salik na nakaaapekto bukod sa presyo.
1. Panlasa/Kagustuhan
ang pagkahilig ng mga pinoy sa mga imported na mga produkto ay isa sa mga dahilan kung bakit mataas ang DEMAND sa mga ito. Sa bawat paglipas ng panahon ay nagbabago ang kagustuhan ng tao na nagreresulta ito sa pagtaas o pagbaba ng DEMAND sa iba't ibang produkto.
2. Kita
ang salapi na tinatanggap ng tao kapalit ng ginagawang produkto at serbisyo ay tinatawag na kita. Ito ang basehan ng pagtatakda ng budget sa pamilya.
3. Populasyon
Ito ay isang potential market ng isang bansa. Ang pagdami ng tao ay naglalarawan ng pagdami ng bilang ng mga konsyumer na siyang nag-tatakda ng DEMAND.
4. Presyo ng Magkaugnay na Produkto
Ang pagtaas ng presyo ng produkto na dating ginagamit ang nag tutulak sa consumer na humanap ng na produkto.
Halimbawa, ang karne ng baka ang ginagamit dati sa sinigang, pero tumataas ang presyo nito na nagreresulta ng pagbaba ng DEMAND nito dahilang konsyumer ay bumibili ng karne ng baboy bilang pamalit, kaya nag demand sa produktong ito ay tataas. Ito ang tinatawag na SUBSTITUTE GOODS na tumataas kapag mataas ang presyo na produkto na dating binibili.
5. Okasyon
Sa kultura ng ating bansa, likas sa ating mga Pilipino ang ipagdiwang ang iba't ibang okasyon na dumarating. Kaya sa bawat selebrasyon ay tumataas ang demand sa mga produkto na naaayon sa okasyong pinagdiriwang.
Halimbawa sa mga bulaklak at tsokolate kapag araw ng puso, kaarawan o anibersaryo, at mga laruan, damit o anung appliances at pagkain kapag sumasapit ang pasko at bagong taon. Ito ang dahilan sa pag taas ng DEMAND sa mga nasabing produkto kapag may iba't ibang okasyon.
6. Ekspektasyon
Sa panahon ngayon na maraming kalamidad ang nangyayari sa iba't ibang panig ng daigdig at sa ating bansa, ang mga consumer ay nag-iisip na maaaring maapektohan ang kabuhayan ng bansa at ang pagtaas ng presyo ay maaaring maganap. Sa ganitong sitwasyon ang mga consumer ay nagpapanic buying, lalo na ang mga tao na may sapat o labis na salapi

Pwede po bang malaman ang halimbawa din Ng kita,panlasa,dami Ng mamimili
ReplyDelete