DEMAND CURVE
Ang demand curve ay isang grapikong paglalarawan ng di-tuwirang relasyon ng presyo at dami ng bibilihing produkto.
Mula sa demand schedule ng produktong guyabano ay maipapakita ang demand curve.
Ang graph ay binubuo ng dalawang axis, ang horizontal at vertical axis.
Ang presyo ay sa Y axis at Qd sa X axis. Upang makabuo ng demand curve , i- plot ang mga datos na makikita sa demand schedule.
Matapos i- plot ang Qd at presyo, pagdugtung-dugtungin ang bawat punto upang mabuo ang demand curve.
Ang demand curve ay nagpapakita na sa presyong ₱80.00 ay walang pagnanais ang mamimili na bumili ng isang piraso ng guyabano. Kapag ang presyo ng guyabano ay bumaba sa ₱ 75.00, ang mamimili ay hadang bumili ng 25 piraso ng guyabano.
Kung ang presyo ay higit pang bumaba sa ₱30.00, ang mamimili ay bibili ng 250 piraso ng guyabano.
Ito ay nangyayari, habang walang ibang salik na nagbabago.
Sa pagdurugtong ng mga punto sa graph, ang demand curve ay nasa anyong pababa na pahalang o downward sloping.
Ang downward sloping ay naglalarawan ng di-tuwiran na relasyon
ng dalawang variables na habang ang presyo ay tumataas,ang Qd
ay bumababa habang ipinalalagay na walng ibang salik na nagbabago.
Masasabi natin na anuman ang gamitin sa paglalarawan ng demand, demand function, demand schedule, demand curve at batas ng demand ay ipinakikita ang di-tuwirang relasyon ng presyo at Qd.
No comments:
Post a Comment