Demand
- tumutukoy ito sa dami ng produkto at serbisyong nais at kayang bilhin sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon
Kaugnayan ng Demand sa Presyo ng Kalakal at Paglilingkod
Ang kurba ng demand ay pabulusok kapag mababa ang halaga ng produkto maraming konsyumer ang makabibili kaya’t maraming produkto at serbisyo ang mabibili. Subalit kapag ang presyo ay mataas , mababa ang kakayahang makabili o hindi na makabili ang maraming konsyumer.Kapag mababa ang presyo malaki ang demand, subalit kapag mataas ang presyo ay nanaisin na lamang na bumili ng alternatibong pamalit.
Iskedyul ng demand
- ito ay isang talaan na nagpapakita ng bilang ng isang produkto batay sa inilaang presyo
Kurba ng Demand
- ito ay isang grapikong paglalarawan ng presyo ng bilihin at demand
Elastisidad ng Presyo ng Demand
-pagsukat sa bawat pursyentong pagtugon ng dami ng demandsa pagbabago ng presyo,
Mga Uri ng Elastisidad ng Demand
a. Elastiko- kung ang pagbabago ay higit sa isa
b. Di-elastiko- kung ang pagbabago ay maliit sa isa
c. Unitary- ang pagbabago ay eksaktong isa
d. Perfectly Elastic- isa lamang ang takdang presyo sa iba’t ibang dami ng dami ng demand
e. Perfectly Inelastic- isang takdang dami ng produkto sa iba’t ibang dami ng demand

No comments:
Post a Comment