Sunday, October 11, 2015

Suplay
- ito ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyon na nais at handing ipagbili ng mga negosyante sa pamilihan sa magkakaibang presyo sa isang takdang panahon

Iskedyul ng Suplay
- ang talaan na nagpapakita ng relasyon sa pagbabago ng presyo at pagbabago ng suplay

Kurba ng Suplay
- grapikong paglalarawan ng relasyon sa pagbabago sa presyo ng suplay

Kaugnayan ng suplay sa presyo ng kalakal at paglilingkod
Kapag mataas ang presyo ng isang bilihin tataas ang dami ng produktong handing ipagbili sa isang takdang panahon. Kapag mababa ang isang presyo ng bilihin, bababa rin ang presyo ng produktong nais ipagbili sa isang takdang panahon.

Elastisidad ng Presyo ng Suplay
-pagsukat sa bawat porsyentong pagtugon ng dami ng suplay sa pagbabago ng presyo

a. Elastiko- kung ang pagbabago ay higit sa isa
b. Di- elastiko- kung ang pagbabago ay maliit sa isa
c. Unitary- kung ang pagbabago ay eksaktong isa
d. Perfectly Elastic- walang hanggang dami sa isang presyo
e.Perfectly Inelastic- parehong dami sa iba’t ibang presyo
Pagtulay sa Kurba ng Demand

Ang epekto ng presyo at ibang salik ng DEMAND ay mailalarawan sapamamagitan ng GRAPH. Ang pagbabago sa presyo kungtumataasman o bumababa ay nag papakita ng pagbabago sa dami ngproduktong gusting bilhin ng konsyumer.

Pagbabago ng Kurba ng Demand:
Kung ano ang presyo ay di magbabagomakikitaang pag babago ngkurba ng demand bunga ng iba’t ibang salik. Mag reresulta angpagbabago ng demand mula sa kanan papuntang kaliwa o VICE VERSA.

MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA DEMAND

Ang indibidwal na Demand ay nadbabago dahil sa presyo. Ngunit sa pagbabago ng dami ng produkto na bibilhin ay may ibang salik na nakaaapekto bukod sa presyo.

1. Panlasa/Kagustuhan


ang pagkahilig ng mga pinoy sa mga imported na mga produkto ay isa sa mga dahilan kung bakit mataas ang DEMAND sa mga ito. Sa bawat paglipas ng panahon ay nagbabago ang kagustuhan ng tao na nagreresulta ito sa pagtaas o pagbaba ng DEMAND sa iba't ibang produkto.

2. Kita

ang salapi na tinatanggap ng tao kapalit ng ginagawang produkto at serbisyo ay tinatawag na kita. Ito ang basehan ng pagtatakda ng budget sa pamilya.

3. Populasyon
Ito ay isang potential market ng isang bansa. Ang pagdami ng tao ay naglalarawan ng pagdami ng bilang ng mga konsyumer na siyang nag-tatakda ng DEMAND.

4. Presyo ng Magkaugnay na Produkto
Ang pagtaas ng presyo ng produkto na dating ginagamit ang nag tutulak sa consumer na humanap ng na produkto. 


Halimbawa, ang karne ng baka ang ginagamit dati sa sinigang, pero tumataas ang presyo nito na nagreresulta ng pagbaba ng DEMAND nito dahilang konsyumer ay bumibili ng karne ng baboy bilang pamalit, kaya nag demand sa produktong ito ay tataas. Ito ang tinatawag na SUBSTITUTE GOODS na tumataas kapag mataas ang presyo na produkto na dating binibili.

5. Okasyon
Sa kultura ng ating bansa, likas sa ating mga Pilipino ang ipagdiwang ang iba't ibang okasyon na dumarating. Kaya sa bawat selebrasyon ay tumataas ang demand sa mga produkto na naaayon sa okasyong pinagdiriwang. 

Halimbawa sa mga bulaklak at tsokolate kapag araw ng puso, kaarawan o anibersaryo, at mga laruan, damit o anung appliances at pagkain kapag sumasapit ang pasko at bagong taon. Ito ang dahilan sa pag taas ng DEMAND sa mga nasabing produkto kapag may iba't ibang okasyon. 

6. Ekspektasyon
Sa panahon ngayon na maraming kalamidad ang nangyayari sa iba't ibang panig ng daigdig at sa ating bansa, ang mga consumer ay nag-iisip na maaaring maapektohan ang kabuhayan ng bansa at ang pagtaas ng presyo ay maaaring maganap. Sa ganitong sitwasyon ang mga consumer ay nagpapanic buying, lalo na ang mga tao na may sapat o labis na salapi 
Batas ng Demand

Ang batas ng demand ay nagsasaad na habang ang presyo ng produkto ay tumataas, kakaunti ang bibilhing produkto ng mamimili. Ngunit kapag ang presyo ay bumababa, maraming produkto ang bibilhin ng mamimili habang ang ibang salik ay hindi nagbabago. Sa nasabing batas, presyo lamang ang nakaaapekto sa demand. Ito ay naglalarawan ng di-tuwirang relasyon ng Qd at presyo.


MARKET DEMAND

Kapag ang indibidwal na demand ng mga mamimili ay pinagsama-sama ay makukuha ang market demand. Ipagpalagay na mayroong tatlong konsyumer ng produktong guyabano sa pamilihan. Tingnan ang talaan upang makita ang market demand.


Mapapansin na kahit mataas ang presyo ng guyabano, may dalawang mamimili ang handang bumili ng guyabano. Kahit may mamimili na bumili ng produkto sa mataas ang presyo o wala. Ang ugnayan ng presyo at Qd ay hindi nagbago sa market demand. Kapansin-pansin din na sa pag-alam ng market demand ay makikita ang d-tuwirang relasyon Qd at P. Nangangahulugan ang market demand curve ay makikita sa anyo ng downward sloping.










DEMAND CURVE

Ang demand curve ay isang grapikong paglalarawan ng di-tuwirang relasyon ng presyo at dami ng bibilihing produkto. 

Mula sa demand schedule ng produktong guyabano ay maipapakita ang demand curve.

Ang graph ay binubuo ng dalawang axis, ang horizontal at  vertical axis.
Ang presyo ay sa Y axis at Qd sa X axis. Upang makabuo ng demand curve , i- plot ang mga datos na makikita sa demand schedule.

Matapos  i- plot ang Qd at presyo, pagdugtung-dugtungin ang bawat punto upang mabuo ang demand curve. 


Ang demand curve ay nagpapakita na sa presyong ₱80.00 ay walang pagnanais ang mamimili na bumili ng isang piraso ng guyabano. Kapag ang presyo ng guyabano ay bumaba sa  ₱ 75.00, ang mamimili ay hadang bumili ng 25 piraso ng guyabano.

Kung ang presyo ay higit pang bumaba sa ₱30.00, ang mamimili ay bibili ng 250 piraso ng guyabano. 

Ito ay nangyayari, habang walang ibang salik na nagbabago. 

Sa pagdurugtong ng mga punto sa graph, ang demand curve ay nasa anyong pababa na pahalang o downward sloping.

Ang downward sloping ay naglalarawan ng di-tuwiran na relasyon 

ng dalawang variables na habang ang presyo ay tumataas,ang Qd

ay bumababa habang ipinalalagay na walng ibang salik na nagbabago.





Masasabi natin na anuman ang gamitin sa paglalarawan ng demand, demand function, demand schedule, demand curve at batas ng demand ay ipinakikita ang di-tuwirang relasyon ng presyo at Qd.

Demand Schedule

~ ang dami ng produkto na handa at kayang bilhin ng mamimili sa alternatibong presyo sa isang takdang panahon ay ipinapakita ngdemand schedule. Ito ay isang talahanayan na nagpapakita ngdemand ng mamimili sa bawat lebel ng presyo.

May paraan upang matsek kung tama ang presyo, kung Qd ng gagamitin. 
Halimbawa, sa equation na Qd = 400 - 5P. Ibawas ang ibinigay na Qd na 25 sa 400 at i-divide ang 375 sa 5. Ang presyo ay ₱ 75.00

400 - 25 = 375/5 = 75


Kung ang Qd ay 50, ibawas ang 50 sa 400 at i-divide ang 350 sa 5. Ang presyo ay  ₱ 70.00


400 - 50 = 350/5 = 70